
https://web.facebook.com/share/p/1EhYuHk6zf/
Malapit na ang ika-apat na State of the Nation Address ni Pang. Marcos, Jr. Sana mapansin man lang ni PBBM ang aming munting hiling: Sana ang mga serbisyo ng mga Embahada at Konsulado ay nagtataglay ng tunay na pagkalinga at hindi dagdag pahirap sa migranteng Pilipino.
Mag-aanim buwan na mula nang ihapag namin sa Philippine Embassy, Bangkok, ang aming hinaing at pagtutol sa patakarang dagdag bayarin sa serbisyo ng Embahada. Nagpadala kami ng liham na nilagdaan ng mga manggagawang Pilipino. Nakipagdayalogo subalit bumagsak lamang sa tengang bingi.
WALANG SAGOT. Walang paramdam.
Malinaw ang aming tindig: ang polisiya ay dagdag pasanin ng lahat na manggagawa, lalong-lalo na sa mga kababayang nakatira sa dakong hilaga at katimugang Thailand. Ang dagdag na gastusin, na dapat sana ay nakalaan para sa pamilya at remittance ay tiyak lalamunin ng patakarang ito. Hindi lamang kami ang apektado ng polisiyang ito kundi pati ang aming mga pamilya sa Pinas na umaasa sa aming padala.
Handa kaming makipag-usap sa sinumang opisyal ng embahada upang iresulba ang isyung ito. “Hindi kami titigil hangat hindi nagwawagi.”
Muli, kami ay mariing nananawagan: Itigil ang dagdag bayarin sa serbisyo ng Embahada! Serbisyo, hindi negosyo! Agarang pagtulong mga mga migranteng manggagawa nangangailang ng pagkalinga!
Katuwang namin ang Migrante-Thailand sa panawagang ito at sa bawat kampanya at panawagan para sa kapakanan, karapatan at kagalingan ng migranteng Pilipino.