
Nang mga nakaraang araw ay ginulantang ang Migrante South Korea dahil sa balitang hindi matutuloy ang paunang pagdinig sa kaso ni FPRRD sa September 23, 2025 sa dahilang walang kapasidad si Duterte na makadalo ng hearing, ayon kay Kauffman na abogado ni Duterte, hindi na niya maalala ang lahat ng bagay maging ang kanyang pamilya (cognitive lost).
Maging ang mga abogado ng Biktima na si Atty. Kristina Conti ay nagpahayag ng pagkadismaya dahil sa disisyon ng ICC na ipagpaliban ang hearing sa September 23, dahil ayon sa kanya gawain Talaga ni Duterte ang magdrama sa harap ng publiko, at batay na rin sa pahayag ng anak ni Duterte na si Kitty Duterte na malakas naman ang kanyang tatay bago ianunsyo ng ICC ang pagpapaliban dahil lang sa desperadong hakbang ng kampo ni Duterte.
Maging ang pamilya ng mga biktima ay nagpahayag ng pagkadismya sa disiyon ng ICC ng postponement, dahil ayon sa kanila mahabang panahon ng kanilang paghihintay para sa katarungan ay ipagpapaliban dahil lang sa alibi ng isang sinungaling.
Kami sa Migrante Seoul ay labis ding nabahala kung masusunod ang naisin ng kampo ni FPRRD na mangyari ang mosyon ng indefinite suspension ng hearing dahil lang sa drama, dahil naniniwala kami na ang ICC bagama’t may makataong pagtrato sa kanilang mga nililitis ay umaasa rin kami na magiging siyentipiko ang kanilang pagsususri at hindi sasang-ayon sa desperadong hakbang lang, sa halip ay isapubliko ang anumang pagsususring medical upang ihayag sa mga biktima at taom-bayan na umaasam ng hustisya sa pamamagitan ng pagpapanagot sa ginawang Krimen laban sa sangkatauhan ni FPRRD.
Ang mala-drakonyang policy ni Duterte ang nagluwal ng maraming paglabag sa karapatang pantao sa Pilipinas ( war on drugs, EO 70, EO 32)ang mahigit 30 Libong pinaslang sa ilalim ng War on Drugs, kabilang na ang mga aktibista, ang Tumandok Masaker nuong 2018, ang pagpaslang sa mga abogado, mamamhayag, doctor at mga akstibista sa negros katulad ng human rights activist na si Sara Alvarez at pagmasaker sa mga guro ng ALKADEV at paglulunsad ng gera sa mamamayan kagaya ng Bloody Sunday Massacre at ang EO 32 o state of lawlesness kung saan ang mga region na sinalanta nito ay hindi pa rin nagkakamit ng katarungan, katulad ng Bicol-Samar Region, Negros Island at ang moro morong gera sa Marawi. Lahat ng ito ay kabilang sa kaso ng paglabag sa International Human Rights Law (IHL) na magpahanggang ngayon ay nangyayari pa rin.
Kung kaya kami bilang kinatawan ng mga Migranteng Manggawa dito sa Korea ay patuloy na nakikpagkaisa SA PANAWAGAN NG PAGPAPAKULONG KAY DUTERTE.
Duterte ikulong!
VP Sara Litisin!
Bong Bong Marcos Singilin!